Tong collection sa R 4-A talamak pa rin

APRUBADO na ng Senate committee on finance at Kamara ang P2.7B na pondo ng Office of the President para sa susunod na taon na magbibigay ng higit na fiscal autonomy sa mga opisinang nakakabit sa OP at pagkakaroon ng disiplina at katapatan.

Sinabi ni Executive Sec. Paquito Ochoa sa mga miyembro ng naturang Senate committe na sakop lamang ng pondo ng OP ang mga opisinang kasama sa OP Proper habang nagkaroon naman ng tinatawag na Other Executive Offices  na tumutukoy sa mga opisinang nakakabit sa OP na ang operasyon at pondo ay hiwalay sa OPP.

Sa bagong kalakaran, sinabi ng Kalihim na pinag-aaralan ang paglipat at paglusaw sa ilang opisinang  nakakabit sa OP.

Ayon pa kay Ochoa, ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at National Telecommunications Commission ay kasama ng iba pa sa OEOs.

Ang Commission on Information Communications Technology pati na ang National Computer Center at  Telecommunications Office ay nasa ilalim ngayon ng Department of Science and Technology.

Ang bagong iskemang ito ani Ochoa ay pinahihintulutan ang desentralisasyon ng operasyon ng OEOs at nagbibigay din sa mga ito ng kalayaan sa pinansiya.

Ipinaliwanag ng Kalihim sa mga mambabatas ang pangangailangang maitaas nang 12% ang P1.8 B na pondo para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) para palakasin ang operasyon laban sa mga krimeng transnasyonal at kampanya ni Pangulong Noynoy laban sa mga katiwalian, pandarambong at pagwawaldas ng pondong bayan.

Katunayan pinapurihan ni Sen. Franklin Drilon si Ochoa para sa repormang kanyang ginawa sa OP budget.

Sinabi ng beteranong senador na ang pagwawaksi sa sub-allotment system sa OP ay patungo sa tamang direksyon dahil tinatanggal nito ang korapsyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply