Total evacuation ipinatutupad sa Bulacan

MAHIGPIT na ipinatutuapad ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang total evacuation sa mga lugar na lubog sa tubig-baha sa Bulacan upang mailigtas sa nagbabantang kapahamakan ang mga naapektuhang residente.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, kailangan nang lumikas ang lahat ng residente sa bayang lubog sa tubig dahil mas lalala pa ang pagbaha pagtama ni Quiel.

Iginiit ni Aurelio na hindi na kayang sipsipin ang tubig-ulan na sasabayan pa ng high tide at pagre-release ng tubig ng mga dam dahil basang-basa ang lupa roon.

Nanindigan naman ang PAGASA at National Power Corporation (NAPOCOR) na hindi lang ang pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam, Ipo Dam at Bustos Dam ang dahilan ng pagbaha partikular na sa Calumpit at Hagonoy.

Paliwanag pa ng PAGASA, pangunahing dahilan ng matinding pagbaha sa Bulacan ang tubig na bumagsak mula Nueva Ecija, Sierra Madre at Pampanga River.

Sa susunod na linggo pa inaasahan ng PAGASA na tuluyang huhupa ang baha dahil na rin sa ibabagsak na ulan ng bagyong Quiel. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply