Tourism Congress nabahala sa giyera ng PAL at PALEA

IKINABAHALA ng Tourism Congress ang nagaganap na giyera sa pagitan ng Philippine Airlines (PAL) at Philippine Airlines Employees Association (PALEA), lalo na at papalapit na ang long weekend sa darating na Undas.

Ayon kay Tourism Congress president Alma Jimenez, kahit na availabale ang mga lugar na maaaring pagbakasyunan sa Visayas at Mindanao ay wala namang kasiguraduhan kung mag-e-enjoy ang mga local at foreign tourist sa kanilang biyahe sa mga pangunahing destinasyon sa panahon ng bakasyon.

Ipinapanalangin ni Jimenez na sana ay maayos ang hidwaan sa pagitan ng PAL at PALEA bago pa man sumapit ang long weekend, na magsisimula ng Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1.

Bago ito ay sinabi na ng Tourism Congress na bumagsak ng hanggang 70 porsiyento ang occupancy rates sa mga hotel at resort sa ilang bahagi ng Mindanao matapos magkansela ng booking ang mga turista dahil sa gusot sa pagitan ng PAL at PALEA.

Nadamay na rin ang tuna industry sa General Santos City, kung saan nalululugi na ito ng P50 milyon kada araw dahil hindi naide-deliver sa mga buyer ang tone-toneladang tuna matapos ang sunud-sunod na kanselasyon ng mga flight ng PAL nitong nakalipas na linggo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply