Traffic enforcers pumalag sa pagbabayad ng uniporme

PUMALAG ang halos lahat ng traffic enforcers ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City Hall dahil sa paniningil umano ng bayad sa kanilang bagong uniporme.

Ayon sa mga enforcers, na hindi nagpabanggit ng kanilang pangalan, ang halaga ng kanilang bagong uniporme ay P1,200.

Anila hindi na magiging sapat ang kanilang buwanang sinasahod na P8,000 kung babawasan pa sila ng P1,200 para sa uniporme.

Ang labis na ipinagtataka ng mga enforcers ay kung bakit nabago ang naging desisyon umano ni Retired Police General at ngayon ay DPOS Chief Anselmo San Diego na pagbayarin sila ng uniporme gayung dati naman aniyang iniisyu ito ng libre.

Ipinaliwanag naman ni San Diego, na maliit ang ibinigay na budget sa kanila ng City government para sa uniform ng may 300 traffic enforcer niya pero hindi naman niya sinabi kung magkanong pondo ang inilabas ni QC Mayor Herbert Bautista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply