Trak vs tricycle:5 sugatan

SUGATAN ang lahat ng sakay ng tricyle matapos makipagbanggaan sa isang military truck sa Koronadal City sa Gensan.

Dinala sa ospital ang drayber ng tricycle (XK-7242) na si Alberto Langga, 42, asawa niyang si Ann, 33 at ang kanilang tatlong pasahero sa South Cotabato Provincial Hospital para ipagamot.

Samantala, kasalukuyang nasa Koronodal City PNP ang nasangkot na Kia Motor Hammer Type military truck na may plate number na SJE-191 habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naturang aksidente.

Pansamantala namang bumalik sa kanilang kampo ang drayber ng trak nas si Private First Class Ronie Amas na nakabase sa Shariff Aguak, Maguindanao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply