Transport caravan vs VAT sa toll ikinasa ngayon

NAGLUNSAD ng caravan ang ilang transport groups sa North Luzon Expressway (NLEX) bilang pagtutol sa Value Added Tax (VAT) sa toll at walang humpay na pagtaas sa presyo ng langis, kaninang umaga.

Nagtipon-tipon ang mahigit 100 sasakyan sa isang gasoline station sa Edsa-Balintawak dakong alas-sais ng umaga.

Kabilang sa mga nakilahok sa protesta ay ang Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Benguet Truckers and Traders Association, Benguet Vegetable Truck Dirvers Association at Provincial Bus Operators Association of the Philippines.

Tumulak patungong San Fernando, Pampanga ang caravan bandang alas-9:00 ng umaga.

Pagsapit naman ng alas-11:00 ng umaga ay nagsagawa ng maiksing programa ang mga nagprotesta San Fernando exit ng NLEX upang mariing kondenahin ang nasabing dagdag pasanin hindi lang ng transport sector bagkus pati na ng mga mamamayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply