Transport strike ikakasa ng Piston

MARIING binatikos ng samahang Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang mga kompanya ng langis at administransyong Aquino dahil sa panibagong oil price increase na ipinatupad ngayong araw.

Ayon kay Piston Secretary General George San Mateo, hirap na ngang makabangon ang mga tsuper at mamamayan sa mga pinsalang dulot ng nakalipas na kalamidad dulot ay wala pa ring pakialam ang gobyerno ni Pangulong Benigno Aquino III sa paghataw ng mga oil companies na pinalala pa ng karagdagang 12 porsyentong value added tax (VAT).

Hinamon din ng militanteng transport group ang mga malalaking oil companies na buksan nila ang kanilang mga libro ng walang kondisyon at maging bukas sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) at mga mambabatas.

Nagbabala pa si San Mateo na hindi malayong gayahin nila ang mga Occupy Protests na isinasagawa sa New York para iprotesta ang tinawag nilang Oil Cartel Corporate Greed at umano’y Value Added Tax Greed ng administrasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply