Travel authority inisyu na kay GMA

INISYUHAN ng amended travel authority si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa pagnanais nitong magpagamot sa ibang bansa.

Inaprubahan ni House Speaker Feliciano Belmonte ang travel authority at inindorso na ito sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Batay sa travel authority, pwedeng magtungo para magpagamot si Arroyo sa Singapore, Spain, Germany, Italy at Amerika sa pagitan ng Oktubre 22 hanggang Disyembre 5.

Nakasaad din sa dokumento na makakasama ng dating Pangulo ang asawa niyang si Attorney Mike Arroyo, ang kaniyang aide-de-camp na si 1st Lt. Jane B. Glova at private nurse na si Ms. Maria Shaharah Casuga.

Kasalukuyang nasa immigration watchlist si Ginang Arroyo kaya hindi ito maaaring lumabas ng bansa ng walang permiso mula sa Department of Justice (DOJ).

Ipapatingin ni Arroyo ang kanyang sakit na hypoparathyroidism na siyang nagiging hadlang para gumaling ang kanyang marupok na buto sa batok. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply