Tricycle driver itinumba

DEDO agad ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin nang malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang naghihintay ng pasahero Lunes ng gabi (Oktubre 10) sa Bagong Silang Caloocan City.

Dead on spot sanhi ng dalawang tama ng kalibre .45 sa kaliwang bahagi ng tainga at sa katawan ang biktimang si Ariel Manoso, 39, ng Block 2, Brgy. 178 Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Agad namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin matapos maisagawa ang krimen.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:04 ng gabi ng barilin ang biktima sa kanyang nakaparadang tricycle sa nasabing lugar.

Nabatid na namamasada si Manoso nang dalawang lalaki na nagpanggap na pasahero ang lumapit at malapitan siyang pinagbabaril.

Siniguro ng mga salarin na patay na ang biktima bago sila tumakas palayo sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang  tunay na motibo sa nasabing kriemen habang agad nag palabas ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply