Tsismosong si Haring Tomas

ANONG klaseng ambassador kaya itong si Harry Thomas mula kay Uncle Sam?

Hindi pa natutuyo ang kanyang laway sa pagtsitsismis ukol sa sex tourism sa repablik ni Juan, eh, binabawi na niya lahat ang kanyang sinabi.

Sabi niya, 40% ng lahat ng mga dayuhang lalaki na turista na pumaparito sa atin ay sex ang hanap. Sa mga sumunod na ilang araw, pinanindigan niya ang kanyang tsismis.

Nang dumami nang dumami ang umaangal, bigla siyang kumambyo paatras. Sinasabi na niya ngayon na walang batayan ang kanyang tsismis.

Nagkatotoo yata yung propesiya ni Archbishop Oca Cruz na alanganin itong si Haring Tomas!

Hek! Hek! Hek!

Heto pa, Suki.

Akalain mong dinaan niya sa pateks-teks ang kanyang paghingi ng sori. Ganun
ba ang istayl ng opisyal na komunikasyon ng isang ambassador?

Sinundan ngayon ito ng anunsyo niya sa media ng sori. At oki na ang lahat kina PNoy at kanyang mga tsuwariwap?

oOo

Bigla tuloy natin naalaala ang laging pagdagsa ng kababaihan sa Subic Naval Base at Clark Air Base noong hindi pa pinalalayas ng Senado at ni Apo Mallari sa Mt. Pinatubo itong mga kakosa ni Haring Tomas.

Itong mga tropa ni Haring Tomas ang promotor noon ng sex tourism. Hindi lang 40% kundi 100% pa yata.

Sa totoo lang, doon sa Olongapo pumutok ang HIV-AIDS at walong Pinay ang tinamaan.

Simula noon, kumalat na ang  nasabing  mga  sakit sa kawawang repablik ni Juan.

Kahit medyo matagal nang lumipas ang sex tourism sa rest and recreation ng mga turistang tropa, buhay na buhay ang HIV-AIDS at daan-daan na ang namamatay sa lahi ni Juan.

Dapat dito maghayag si Haring Tomas ng pangalawang sori.

Bishop Cruz, pagsorihin niyo kaya muli si Haring Tomas!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply