Tubig sa Masantol, Pampanga nagpositibo sa coliform

NADISKUBRE na kontaminado ng coliform tulad ng e-coli bacteria ang water sample mula sa mga poso sa Masantol, Pampanga.

Ito ay matapos na suriin ng Philippine Medical Association (PMA) ang mga nakolektang tubig sa nasabing lugar.

Ayon kay PMA Spokesperson Dr. Mike Aragon, ang pagkakontaminado ng nasabing bakterya ang nakikitang dahilan kaya naitala ang mataas na kaso ng diarrhea sa lugar.

Nanawagan ang PMA sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na agad na aksyunan ang problema upang hindi na lumala.

Pinayuhan rin ng ng PMA ang mga residente sa lugar na pakuluang mabuti ang tubig mula sa mga poso para mapuksa ang bakterya.

Kumukuha na rin ng samples sa mga water sources sa ilang bayan ng lalawigan upang masuri kung ligtas ang inuming tubig sa mga binabahang bayan sa nasabing lalawigan.

Samantala, walong bayan pa rin sa Pampanga ang nananatiling lubog sa tubig-baha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply