Tubig sa Metro Manila ligtas sa E. coli

WALANG dapat ikabahala sa inuming tubig sa Metro Manila ayon sa dalawang kumpanya ng tubig na Maynilad at Manila Water dahil regular umano nilang sinusuri ang tubig na dumadaloy sa National Capital Region.

Mayroon umanong 1,200 sampling centers ang dalawang kumpanya na nakakalat sa NCR upang i-monitor ang physical at chemical element ng tubig.

Kamakailan ay isang bata sa Pampanga ang namatay sanhi ng maruming tubig na may E. coli bacteria.

Sa mga laboratory test na isinagawa ng Manila Water, ipinakita sa media ang bacteriological test kung ligtas sa anumang kontaminasyon ang tubig at physical at chemical test kung gaano karami ang magnesium at calcium content ng tubig sa ngayon sa Philippine National Standard on Drinking Water na dumadaloy sa mga gripo.

Maging ang Department of Health (DOH) ay nagsasagwa ng sariling random testing upang magkaroon ng check and balance sa pagsusuring ginagawa ng dalawang pribadong kumpanya.

Ang mga nabanggit ang bumubuo ng Metro Manila Drinking Water Quality Monitoring Committee na pinamumunuan ng DOH at mga lokal na pamahalaan.

Ang supply ng tubig sa Metro Manila ay nanggagaling sa Angat Dam sa Bulacan patungo sa Ipo Dam at pababa sa La Mesa at Balara Treatment Plant kung saan dumadaan sa maraming treatment process ang tubig bago magtungo sa distribution pipelines.

Iba umano ang pinanggagalingan ng tubig sa Pampanga kaya malayo umano sa Metro Manila ang pagkalat ng E. coli bacteria. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply