Tubig sa Pampanga kontaminado ng E.coli

WALONG barangay sa Pampanga ang kontaminado sa E.coli na nagiging sanhi ng pagtatae.

Ito ang resulta sa isinagawang water testing ng mga “Doctors on Boat” sa ika-walong araw na pagtulong nila sa nasabing lalawigan na binaha sa kasagsagan ng paghampas ng mga bagyong Ramon at Quiel.

Kasunod nito, payo ng mga doktor na pakuluin muna ng hanggang 20 minuto ang mga tubig na iinumin.

Pagkumpirma ng awtoridad, nagkakaroon ng kontaminasyon ng E.coli ang tubig sa mga lugar na nakararanas ng overflowing ng tubig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply