Tuloy pa rin ang kangkangan ng sexy actress at mayamang pulitiko

BONGGA! Akala ng iba tapos na ang relasyon ng isang mayamang pulitiko at tabaing sexy actress dahil sa tahimik na ang mga ito ngayon at hindi na sila pinagpi-fiestahan ng mga kapatid namin sa panulat pero ang totoo, patuloy pa rin pala ang bawal na pag-ibig nila kung saan ay madalas pa rin silang nagkikita sa isang hotel na malapit sa mga pagawaan ng diyaryo.

Talagang magaling lamang daw magtago ng kanilang lihim ang dalawa. Pati asawa ng mayamang pulitiko, hindi rin alam na tuloy pa rin ang relasyon ng dalawa (pulitiko at sexy actress). Sobrang mataray pa naman at matapobre ang asawa ni pulitiko kaya todo tago talaga ang dalawa kapag nagkikita ang mga ito.

Well, ang clue natin sa mataray at mayabang na asawa ni politician ay namimigay raw ito nang mamahaling bag sa kung sino mang makapagpapatunay na may iba pang karelasyon ang asawa niyang pulitiko.

Harharhar! Dahil sa sobrang higpit na pagbabantay nito (asawa ng pulitikong mayaman) ay nalulusutan pa rin pala ito??

At eto, muntik na rin pala sanang mabuntis si sexy star ni mayamang pulitiko pero sa di malamang kadahilan ay natuklasan na lang natin na hindi rin natuloy ang pagbubuntis nito. Kung natuloy, siguradong malaking gulo na naman ito sa pagitan ng mag-asawa.

***

Bikini open sa Whitebird sa Linggo ng gabi, Oct. 9 2011

Samantala, ngayong Linggo na ng gabi, Oct. 9, 2011 ang bikini open ng Whitebird entertainment bar.

Hindi kasali sa naturang pa-bikini-open sa WB ang kanilang mga guwapong male models and macho dancers.

Ang kontrobersyal na si Mon Leones at si Sir Nilo ang siyang namamahala sa nasabing bikini open na magsisimula ngayong Oct. 9, 2011 hanggang Dec. 29, 2011 para sa kanilang grand finals.

Siguradong dudumugin ito ng mga agents at kanilang models dahil sa malaking prizes at stake ang naghihintay na mapananalunan nila. Ang balita nami’y mag-uuwi ng cash na P20,000 ang mag-wi-win sa grand finals nila on Dec. 29.

Sa lahat ng mga agent, tawagan lamang or i-text sina Tito Mon Leones sa cell # 09205018010 at kay Gretta Locca sa 092174057-35.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply