Tumakas sa abusadong amo: OFW tumalon mula 2nd floor sa Saudi

KASALUKUYANG naka-confine ngayon sa ospital ang isang overseas Filipino worker (OFW) makaraang tumalon mula sa 2nd floor ng bahay ng kanyang amo sa Saudi Arabia upang takasan umano ang kanyang abusadong amo.

Ayon sa Migrante-Middle East, nakaratay ngayon si Hadeah Macalpang, 33, tubong Lanao Del Norte, sa King Fahad hospital, sa Al-Khobar, eastern City ng Saudi Arabia kung saan nagtamo ito ng bali sa kaliwang binti at pigi dahil sa pagkahulog nito sa building.

Ayon sa interogasyon kay Macalpang, tinangka umano niyang takasan ang kanyang abusadong amo.

Dagdag pa ni Macalpang, tapos na ang kanyang kontrata sa paninilbihan sa kanyang amo ngunit pinagpatuloy pa rin siyang pagtrabahuhin nito.

“She said her employer didn’t allow her to go home despite her pleading,” pahayag ng grupo.

Nabatid pa kay Macalpang na nakatanggap lamang siya ng sahod na 4,700 Saudi rials, o P56,640, para sa kanyang dalawang taong serbisyo.

Dahil dito, umapela ang Migrante sa Philippine embassy sa Saudi Arabia upang maasistehan si Macalpang sa pag-uwi nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply