Tuna fishing ban dapat itigil – BFAR

SUPORTADO ng bansang Japan, Taiwan at South Korea ang kampanya ng Pilipinas na mabuksan na ang pangingisda ng tuna sa isang ipinagbawal na bahagi sa kanlurang Pasipiko.

Ang panukala ng Pilipinas na maalis na ang fishing ban sa karagatan ng Palau at Micronesia, katimugan ng Indonesia at Papua New Guinea ay ikinagalak ng mga nabanggit na bansa dahil na rin sa kakulangan ng commercial tuna sa kanilang mga merkado,ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez.

Ipinatupad ang fishing ban sa lugar ng Western at Central Pacific Fisheries Commission (WCPFC) noong 2010 upang hayaang makapagpadami ang blue fin tuna, isang nanganganib na uri ng isda, sa silangan bahagi ng karagatan.

Ayon kay Perez, walang siyentipikong katibayan na may epekto ang fishing ban sa populasyon ng blue fin subalit susunod umano ang Pilipinas sa mas mahigpit na mga regulasyon na ilalatag ng WCPFC kung papayagan ulit mabuksan ang bahaging ito ng karagatan para sa tuna fishing.

Bumagal umano ang negosyo ng de lata sa Mindanao dahil sa ban sa tuna fishing sa Pasipiko dahil apektado ang mga huli ng mangingisda ng mga tuna species tulad ng skip jack at frigate tuna. Bumaba ng 30 % ang huli ng mga isdang tuna sa kabuuan, ani Perez.

Noong isang taon, ang tuna production ay naitala sa 387,101 metric tons na 9 porsiyentong mas mababa kaysa noong 2008. Sa kabuuan, ang mga hul;ing isda ay 271,625 MT na 14 porsiyentong mas mababa kaysa noong 2008, sa datos ng industriya.

Nagsumite na rin ng siyentipikong ulat ang Pilipinas sa WCPFC noong isang buwan na naglalarawan na ang pagsasara ng karagatan ay hindi naka-apekto sa populasyon ng blue fin.

Inaasahang tatalakayin ang ulat sa oras na magpulong ang WCPFC sa Disyembre kung saan isa sa agenda ay kung itutuloy pa o ititigil na ang fishing ban sa bahaging iyon ng karagatan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply