Turistang Aussie nagreklamo sa bayad sa kalesa

DISMAYADO ang mag-amang Australian national nang singilin sila ng mahal sa kanilang pagsakay ng kalesa kagabi (Oktubre 11) sa Ermita, Maynila.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment (GAS) ang biktimang si James Francis Ridsdale, 40, at anak nitong si Chole, 15, kapwa pansamantalang nanunuluyan sa Room 1107, Makati Peninsula Hotel sa Makati City upang ireklamo ang apat na suspek kabilang ang dalawang babe na mga tsuper ng isang kalesa.

Sa report ni PO3 Abelardo Aguilar ng MPD-GAS, dakong alas-7:30 ng gabi nang naganap ang insidente sa compound ng Department of Tourism (DOT) sa Rizal Park, Ermita, Maynila.

Galing umano ang mag-ama sa Manila Ocean Park at paglabas nila ay hinikayat sila ng mga suspek na isakay sila sa kanilang kalesa para ipapasyal sila sa magagandang lugar sa paligid ng Intramuros at Luneta Area

Upang maranasan ng mag-ama ang pagsakay sa kalesa ay pumayag ang mga ito kasama ang dalawa pang Filipina na magpaikot-ikot sa area ng Luneta hanggang sa itigil sila sa compound ng DOT.

Ikinabigla naman ng mga biktima nang singilin na sila ng halagang P2,000.

Nakipagtawaran ang mga biktima subalit tinakot sila ng mga suspek hanggang sa pumayag na lamang sila sa halagang P1,000.

Inaalam ng pulisya kung accredited ng DOT ang ginagamit na kalesa ng mga suspek para sa mga turista. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply