Turuan pa rin

WALA pa ring pagbabago sa 3rd Congressional Hearing ng House Committee on Youth & Sports ukol sa pagkamatay ni Maico Buncio na idinaos noong Lunes sa House of Representatives. Matatandaang pumanaw ang ating pambansang rider noong Mayo 15 matapos siyang sumalpok sa isang pader na may nakausling mga bakal sa loob ng Clark International Speedway habang isinasagawa ang kanyang qualifying run noong Mayo 14.  Ayon sa medico-legal ng PNP na nag autopsy sa katawan ni Buncio ay “loss of blood” ang pangunahing sanhi ng pagkamatay nito. Ang mga panauhin noong Lunes ay sila National Motorcycle Sports & Safety Asociation (NAMSSA) President Macky Carapiet, Yoyong Buncio na ama ni Maico, Nelson Gayola ng Batangas Racing Circuit (BRC) na kumatawan sa race track owner na si Johnny Tan na pansamantalang nasa bansang Italya noong araw ng hearing para sa world finals ng karting kung saan ay may Philippine Delegation na pinangunahan ni Tan, ang medico-legal ng PNP, at ang paramedic ng Aeromed na mismong rumesponde kay Maico sa accident site.

Parehong nagmamatigas sila Carapiet, Tan, at maging ang isang paramedic na rumesponde kay Maico. Sa aking opinyon ay dapat managot ang tauhan ng Aeromed dito sapagka’t sila ang mga humugot sa katawan ni Maico sa pagkakatusok nito sa mga nakausling bakal na dapat sana ay pinutol muna bago isinakay sa ambulansya ang kampeong rider.  At kung may gagawing bagong batas ay dapat maging mandatory na sa lahat ng racing events na bukod sa ambulansyang may paramedic o Emergency Response Team (ERT) ay dapat may doktor at nurse na rin. Tama ang sinabi ni Iloilo 1st Dist. Rep. Janet Garin M.D. noong 2nd hearing na “with due respect ay hindi naman sapat ang 3 o 6 na buwan na pagsasanay ng mga ERT o paramedics kumpara sa 8 taong pagsasanay ng mga doktor.”

At kay Ginoong Carapiet at Tan, sana ay mag-ayos na kayong dalawa. Magtulungan na lamang kayo tutal pareho niyong mahal ang motorsports. Maraming umaasa sa inyong dalawa. Meet halfway ika nga. Huwag po sana nating hayaang bumagsak ang motorsports lalo na ang motorcycle racing kung saan maraming pinoy na ang nakapagpatunay na kaya nating lumaban at manalo kahit sa ibang bansa.

***

Binabati ko ang mamamahayag na si Ira Panganiban na aming bagong co-anchor sa Tuesday Edition ng Inside Motoring sa DZRJ 810khz. Mahigit 20 taon sa larangan ng pamamahayag ang karanasan ni Panganiban mula sa pagiging tsuper ni Julius Babao noong sila’y nasa DZBB pa hanggang sa maging managing editor ng news & current affairs ng ABS-CBN.  Welcome aboard!

***

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810 AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide.

Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/Inside Motoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply