TXT Fire Phils. mamimigay ng malinis na tubig sa biktima ng baha

TUTULAK ngayong umaga ang ilang truck ng bombero at water tankers upang magbigay ng malinis at maiinom na tubig sa mga biktima ng baha sa bayan sa Bulacan.

Sinabi rin ni Gerry Chua, founder ng Volunteer Group na TXT Fire Phils., na mamamahagi rin sila ng 1,000 bags ng relief goods bilang bahagi na rin ng pagtulong nila sa mga nasalanta ng bagyong “Pedring” at “Queil.”

Ani Chua,bagama’t may ilang negatibong ugali ang naglabasan sa ilang Filipino sa panahon ng pananalsa ng bagyo ay mas pinamalas pa rin ng marami ang mga positibong katangian sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng diwa ng bolunterismo at pagmamalasakit sa kapwa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply