Typhoon Quiel umiskiyerda na sa bansa

NASA West Philippine Sea na ang typhoon Quiel (Nelgae) na bahgyang humina ayon sa ulat kaninang umaga ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa advisory ng PAGASA, huling namataan si Quiel sa layong 290 km kanluran ng Baguio at nagtataglay pa rin ng hanging may lakas na 130 kph malapit sa sentro at pagbugso na aabot sa 160 kph.

Sinabi ng PAGASA na si Quiel ay tinatayang kikilos pa-kanluran sa bilis na  20 kph at inaaasahang nasa 500 km kanluran ng Baguio City mamayang gabi.

Nasa ilalim pa rin ng Storm Signal No. 1 ang Ilocos Sur, La Union, Zambales at Pangasinan.

Magdudulot ng southwest monsoon ang typhoon Quiel at magdadala ito ng malawakang kalat-kalat na pag-ulan sa Western section ng Southern Luzon, pahayag ng PAGASA.

Samantala, ang bisang potential cyclone –na isa pa lamang low pressure area ang namataan sa layong 660 km silangan ng  Visayas.

Mayroon itong codename na “Ramon” kapag naging ganap na bagyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply