U.S. Sec. Clinton nakiramay sa Pilipinas

NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang bansang Amerika sa pamamagitan ni U.S. Secretary of State Hillary Clinton hinggil sa pagkakasalanta ng ating bansa sa dalawang nagdaang bagyong “Pedring” at “Quiel”.

Lubhang nalungkot umano siya sa sinapit ng Pilipinas at taus-puso umano siya nagpapa-abot ng kanilang pakikiramay sa mga nasasalanta lalong-lalo na sa mga namatayan.

Sa inilabas na impormasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na ng 101 katao ang nasawi at bilyong halaga ng mga ari-arian, producto at inprastraktura ang nangasira.

Binanggit din ni Sec. Clinton ang kanyang pakikiramay sa iba pang bansa sa Southeast Asia na tinamaan ng matinding baha katulad ng mga bansang Vietnam, Laos, Cambodia at Thailand.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply