UAAGI magtatayo ng car manufacturing plant sa Clark

CLARK , PAMPANGA —  Napagkasunduan na ng Clark Development Corporation (CDC) at ng United Asia Automotive Group Inc. (UAAGI) ang pagtatayo ng isang Foton plant sa Clark Freeport Zone.

Ayon sa presidente ng CDC na si G. Felipe Antonio Remollo, nakapaloob sa kontrata na nagkakahalaga ng $35 milyon ang plano ng UAAGI na itayo ang planta sa 50,000 square meters na nirentahang lupa.

Ang planta ay magsisilbing manufacturing at assembly plant ng mga sasakyan ng Foton Motors Philippines para sa Southeast Asian market. Dito gagawin ang mga kilalang utility vehicle ng Foton tulad ng kanilang Blizzard Turbo 4×2 at 4×4 pickup, View Ambulance Van, at ang CAGI (Car Award Group Incorporated) Best Multi-Purpose Van awardee ng taong 2009, ang MPX Van.

Higit na kilala ang Foton sa kanilang mga commercial trucks gaya ng Hurricane cab, ang Tornado Series at ang Mini Coach.

Ang Foton Motors ang pinakamalaking kompanyang gumagawa ng mga sasakyang pangkomersyal sa bansang China, at dahil nga sa lawak ng operasyon ng kompanya, dalawa ang assembly plant nila sa Beijing.

Ang Clark plant ng Foton Motors Philippines ang kauna-unahang kumpanya sa industriya ng car-manufacturing sa ASEAN market na pagmamay-ari ng isang Filipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply