Ulo ng barker tinapyas ng kaagaw sa pasahero

HALOS humiwalay sa katawan ang ulo ng isang jeepney barker nang tagain gamit ang jungle bolo ng isang hindi pa nakilalang lalaki, kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Nagkikisay pa bago nalagutan ng hininga ang biktima na si Francisco Dalay Jr., 34, ng 2489 P. Villanueva St., naturang lungsod.

Samantala, nakatakas naman ang hindi pa nakilalang suspek dala ang jungle bolo na ginamit sa krimen.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Chris Gabutin ng Homicide Section ng Pasay City Police na ipinarating kay PCI Joey Gofforth hepe ng Station Investigation Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police, ang insidente ay naganap ala- 1:30 ng madaling-araw sa EDSA Ext., nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng nakasaksi sa krimen na ayaw magpabanggit ng pangalan, una nilang nakita ang biktima na nagtatawag ng mga pasahero sa Metro Point nang biglang tumawid patungo sa Park Avenue upang doon magtawag ng pasahero.

Nag-uumpisa pa lamang ang biktima sa pagtatawag ng mga pasahero sa kahabaan ng Edsa Ext. Park Ave. nang salubungin ng taga ng jungle bolo sa leeg ng suspek.

Batay sa nakalap ng impormasyon, posibleng nagalit ang suspek dahil inaagawan siya ng puwesto sa pagtatawag ng pasahero.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang operatiba ng Pasay City Police hinggil sa naturang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply