Ulo ng nanay biniyak ng may sayad na anak

PARANG buko na tinaga ng 21-anyos na lalaki ang ulo ng kanyang ina dahilan ng daglian nitong kamatayan sa Negros Occidental sa report ng pulisya ngayong araw.

Base sa naantalang ulat na isinumite sa Camp Crame, Biyernes ng hapon nang napatay ni Bryan Abrasado, ng Barangay Daga ang kanyang ina.

Sa imbestigasyon ng Cadiz City Police station, may sakit sa pag-iisip ang suspek kaya nagawa nitong tagain sa ulo at katawan ang sariling ina.

Sa pahayag ng ilang kamag-anak ni Abrasado, posibleng sinumpong ng kanyang sakit sa pag-iisip ang suspek kaya nagawa ang krimen.

Nakapiit na sa Cadiz City Police at nakatakdang ilipat sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) o mental institution ang binata.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply