Umaatikabong bakbakan sa PBA nakalinya ngayong weekend

UMAAATIKABONG bakbakan ang magaganap sa PBA 2011-12 Philippine Cup simula ngayong gabi sa The Arena at sa Linggo (Oktubre 16) sa Smart Araneta Coliseum.

Una ay ang B-Meg Derby Ace vs Meralco Bolts na kapwa naghahangad na makakalas sa 1-1 win-loss card at ang pag-angat mula sa dalawang talo ng baguhang Shopinas.com Clickers kontra league-leader Petron Blaze Boosters na susundan ng banggaan ng Powerade Tigers kontra sa hindi pa nakapapasok sa win-column na Alaska Aces na tangan ng bagong katatalagang coach na si Joel Banal.

Sa dalawang larong ginanap noong Biyernes ng gabi (Oktubre 14) ay nilagot ng Tropang Texters ang pamamayagpag ng Rain Or Shine Elasto Painters sa score na 107-98 habang ipinakita ng Barako Bull na hindi sila dapat balewalain sa torneo nang languhin ang crowd-darling na Barangay Ginebra sa score na 88-75.

Ang bagong hugot sa 2011 rookie draft na si Dylan Ababou ang maagang nagbida sa tropa ni Junel Baculi nang bumanat ng 20 points na dinagdagan ng 13 ng isa pang rookie na si Alein Maliksi.

Nagbakas naman sina Mark Caguioa at Rob Labagala sa kanilang 22 at 12 points, ayon sa pagkakasunod. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply