Umbagerong mister kinatay ng misis, 2 anak

HINDI na natiis ng isang battered wife at ng dalawang anak ang pagiging umbagero ng kanilang ama dahilan para pagtulungan nilang patayin sa Negros Occidental sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Base sa report sa Camp Crame, basag ang bungo sa hataw ng tubo ang biktimang si Alfredo Mediano ng Sitio Maglunod, Barangay Quezon, ng nasabing lalawigan.

Nabatid sa report na inihahanda ni PO2 Roger Pama ng San Carlos City police na pinagtulungan muna si Alfredo na bugbugin ng kanyang dalawang menor-de-edad na anak hanggang sa mapatay ng kanyang misis na si Benedicta.

Sa pagsisiyasat, lumabas na inabutan ng dalawang bata na sinasakal ng kanilang lasing na ama ang kanilang nanay kaya tinangka nila itong awatin subalit maging sila ay pinagbalingan ng biktima.

Nang makahagilap ang mga bata ng tubo ay hinataw nila ang ama hangang sa bumagsak ito bago halinhinang pinagpapalo hanggang mamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply