Unfair kina Luningning, Mariposa at Milagring ang TV5!

NAG-REFORMAT pala ang ‘Lokomoko U’ at sad to say, tsugi na pala ang Tres Maria na sina Luningning, Milagring at Mariposa kasama si Dianne Medina.

“Napanood ko pilot episode, bakit silang apat lang ang tinanggal? Meron bang problema sa kanila? Di ba nakatatlong award ang ‘Lokomoko U’ in less than one year? Sana sa pag-reformat nila, mas marami silang award na makuha para hindi naman masakit sa apat,” himutok ng mga followers ng show na nagpaulan ng text sa amin.

“Nakasasama naman kasi ng loob sa apat dahil hindi man lang 50 percent ang tinanggal nila sa show. Maiintindihan pa kung marami talaga ang pinalitan. Kala ba namin kapatid at happy network ‘yan? Tapos ngayon, kahit isang show wala na yata ang apat sa TV5,” sundot pa sa amin ng isang texter.

Well sana lang ay maalagan din ng TV5 ang mga nag-ober da bakod sa kanila at hindi na lang basta-basta itatapon pag hindi na nila kailangan.

‘Yun lang naman! (Korek! May mga tao kasi riyang mga ungak at hindi fair at puro si Nganga Queen lang ang pinuprotektahan! Magtimang-timangan ba? – Ed)

-0o0-

MAPANONOOD muli ang nag-iisang teleserye ng totoong buhay, ang Pinoy Big Brother (PBB). Walang humpay na saya at sorpresa ang ibibigay ng pinakabagong edisyon nitong ‘Pinoy Big Brother Unlimited’ sa muling pagbubukas ng pinakasikat na bahay sa bansa sa Sabado (Oktubre 29).

Sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales pa rin ang hosts ng PBB. Hindi na nila makakasama rito ang kaibigan nilang si Mariel Rodriguez dahil nga nag-ober-da-bakod na ito sa TV5.

Pero idinagdag sa PBB si Robi Domingo. Sobrang saya nga ng gwapong young actor dahil noon pa raw ay pangarap niya nang maging host dito.

“Talagang masaya ako. Dahil naging housemate na ako dati, sa tingin ko makaka-relate ako sa mga mangyayari sa loob ng bahay na puwede kong maibahagi sa mga manonood,”sey ni Robi.

Graduating student na si Robi sa Ateneo. Pero sinisigurado niya na hindi makasasagabal sa kanyang pag-aaral ang pagiging part niya ng PBB.

Ang kinuha niya raw kasing schedule ng klase niya ay pulos sa umaga. Kaya puwede siyang mag-PBB sa hapon. Deretso na raw siya roon after ng klase niya. Hindi naman daw mahihirapan si Robi kahit ganoon ang magiging routine niya sa araw-araw.

Katwiran niya, “Basta gusto mo ang ginagawa mo ay walang mahirap.”

Fit si Robi sa PBB dahil sa totoo ay mahusay siyang host. Yun naman talaga ang forte niya. Siya ang host sa PBB Updates.

Ia-update niya araw-araw ang televiewers sa lahat ng kaganapan sa loob ng Bahay ni Kuya.

0o0-

MASAYANG ibinalita Precious Lara Quigaman na tuloy na tuloy na ang kasal nila ng boyfriend na si Marco sa October ng susunod na taon.

“May one year preparation pa kami. “sabi niya

May mga napili na ba silang magiging ninong at ninang sa kanilang kasal?

“May mga nakalista na kami. Pero hindi pa namin sila naa-approach. Hindi pa namin sila nasasabihan personally.

“Mga taga-church namin na mga couples na nilu-look-up to namin ang gusto namin tala gang kuning mga ninong at ninang.”

Saan gaganapin ang kanilang kasal?

“Sa South area. Pero nag-o-occular pa kami,”

Ilan ang gusto niyang maging anak nila ni Marco?

“Gusto ko maraming anak. Pero siyempre gusto ko lang, hindi ko naman kaya talaga.

“Sobrang hilig ko lang din talaga sa bata. Tapos lumaki ako na ‘yung mga kapatid ko, yung mga pinsan ko, lahat kami sama-sama, ganyan. So masaya lang pag marami kayo.”

Pero si Marco, ilan ang gusto niyang maging anak?

“Dalawa lang ang gusto niya,”

Wish ni Precious na lalaki ang maging unang supling nila ni Marco.

“Pag lalaki ang naging panganay namin, may naisip na nga akong pangalan niya. Katulad ng name ng papa ko, Noah Nelson.

“Pero kung hindi lalaki, okey lang din naman sa akin,” aniya pa.

Ano ba ang nakita niya kay Marco at ito na ang pinili niyang pakasalan?

“Yummy po. Ang babaw ng sagot, di ba?” natatawang sagot ni Precious.

Kahit pa mag-asawa at magka-anak na si Precious ay hindi pa rin niya iiwan ang showbiz.

“Tuloy na tuloy pa rin ang pag-aartista ko hangga’t gusto pa ako ng mga tao. Hangga’t mayroon pang trabaho na ino-offer sa akin, nandito pa rin ako,” sey pa niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply