Unified traffic ticketing ipatutupad

BINABALAK na ng administrasyong Aquino na ipatupad ang unified traffic ticketing system sa Metro Manila.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Director Dennis Singson, binabalak ni Pangulong Benigno Aquino III ma maipatupad ang bagong sistema sa implementasyon ng batas trapiko,

Nababahala na umano ang mga transport group leaders sa kasalukuyang sistema ng traffic violation ticket sa mga motorista sa Metro Manila.

Aniya may iba’t ibang sistemang ipinatutupad sa pagtitiket ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), LTO at ang 17 lokal na pamahalaan sa rehiyon kaugnay sa batas trapiko.

Samantala, agad namang inilagay ni Pangulong Aquino si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo para pamunuan ang isang inter-agency task force na kikilos para sa unified traffic ticketing system sa Metro Manila.

Sa ilalim ng iba’t-ibang traffic management scheme, ang isang motorista na nahuli at inisyuhan ng traffic violation ticket sa Makati City ay maaari ring mahuli na “driving without a license” sa Pasay City dahil ang temporary driving ticket ay ubra lamang sa isang partikular na lungsod.

Ayon pa kay Singson, ang pinag-isang sistema ang nakikita ring kasagutan ng mga awtoridad para matugunan ang kaguluhan sa mga ini-isyung traffic violation ticket sa NCR. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply