UPDATE: 19 sundalo na ang patay sa Basilan encounter

UMAKYAT na sa 19 na sundalo ang namatay sa naganap na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at pinagsanib na pwersa ng Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front sa Basilan kahapon.

Ito ay nang kumpirmahin ng Army na patay na rin ang anim sa walo pang sundalo na napaulat na nawawala matapos ang bakbakan sa bayan ng Albarka.

Ayon kay Army Spokesman, Col Antonio Parlade, narekober ang bangkay ng anim pang sundalo sa isinagawang clearing operations.

Bineberipika naman ng militar ang impormasyon na nakauwi na ang isa pa sa mga sundalo.

Tumagal ng siyam na oras ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at pinagsanib na pwersa ng Abu Sayyaf at MILF.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply