UPDATE: 2 sundalo, 6 rebelde utas sa air strike sa Sibugay

NATODAS ang dalawang sundalo at anim na miyembro ng rebelde sa ikinasang air strike ng militar sa hideout ng mga wanted na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Zamboanga Sibugay kanina.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-Wesmincom) Lt. Col. Randolph Cabangbang.

Ayon kay Cabangbang, dalawa sa mga namatay ay miyembro ng 102nd brigade ng First Division ng Philippine Army, habang anim naman ang nalagas sa panig ng rebelde na pinamumunuan ni Commander Waning Abdusalam.

Naiulat naman na 40 ang nasugatan sa hanay ng mga rebelde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply