UPDATE: 76 patay, P9 bilyon na ang pinsala nina ‘Pedring at Quiel’

LOMOBO pa sa 76 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel sa Northern at Central Luzon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management  Council (NDRRMC), 66 dito ay sa bayong Pedring habang 10 mula sa bagyong Quiel.

Umaabot pa rin sa 29 ang nawawala.

Sa ngayon, umabot sa P9.4 billion ang halaga ng pinsala na ang pinakamalaki rito ay mula sa Agrikultura na umabot sa mahigit P8 bilyong habang mahigit P1.3 bilyong naman sa imprastraktura.

Nasa 2.8 milyon na residente ang apektado ng mga pagbaha sa Central at Northern Luzon.

Inaasahan naman ng NDRRMC na patuloy pa ring lulobo ang pinsala ng kalamidad dahil sa hindi pa rin humuhupa ang mga pagbaha sa mga apektadong lugar.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply