UPDATE: Bagyong Ramon nagbago ng direksyon

NAGBAGO ang direksyong tinatahak ng bagyong Ramon habang papalapit ito sa Mindoro area.

Base sa pinaka-latest update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), napanatili ng bagyong Ramon ang taglay nitong lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna habang kumikilos pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa 70 kilometro Timog Kanluran ng Romblon o 70 kilometro Silangan Timog-Silangan ng San Jose, Occidental Mindoro.

Bukas ng hapon ay inaasahan itong nasa 230 kilometro Kanluran ng Calapan City.

Kabilang sa mga lalawigan na isinailalim sa storm signal No. 1 ay Marinduque, Mindoro provinces, Romblon, Southern Quezon, Burias Island, Northern Palawan, Calamian Group of Islands, Cavite, Laguna, Batangas, Metro Manila, Panay Island and Guimaras Island.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply