UPDATE: Death toll sa kambal na bagyo 55 na

UMAKYAT na sa 55 ang naitatalang namamatay sa kambal na bagyong Pedring at Quiel ayon sa huling tala na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Ayon kay NDRRMC Executive Director, B/Gen. Benito Ramos patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa tumataaas pang bilang ng reported missing.

Magugunitang unang tumama ang bagyong Pedring na may international name na Nesat noong nakaraang Martes. Sinundan naman ito ng bagyong Quiel na may international name na Nalgae.

Ang nasabing mga bagyo ay pawang humagupit sa Luzon regions na naging dahilan ng malawakang landslide at flashflooding na nararanasan hanggang sa kasalukuyan sa central Luzon.

Sa record ng NDRRMC, 52 ang nasawi dahil sa bagyong Pedring, habang tatlo naman dahil sa bagyong Quiel.

Aminado naman si Ramos na dahil sa back to back tropical storm ay nagkaroon ng bahagyang kalituhan sa pagbibilang ng namatay at nasalanta ng kambal na sama ng panahon.

Sinasabing naabutan na ng panibagong baha ang tubig ulan na iniwan ng mas naunang bagyo kaya may mga lugar na halos nadoble ang pagbaha.

Hanggang kanina ay nagkukumahog ang mga tauhan ng militar, partikular ang Philippine Army at Philippine National police sa patuloy na search and rescue operation dahil sa posibleng pagragasa ng tubig ulan sa mga kabundukan at mga kalapit ilog mula sa hilagang bahagi ng Luzon papuntang Central Luzon

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply