Update: Ina pa lamang ang pinapalaya ng kidnappers — DILG

INA pa lamang ang pinalalaya at hawak pa rin ng mga kidnappers ang anak nito sa Basilan.

Ito ang kinumpirma ni DILG Secretary Jess Robredo sa kaso ng dinukot na mag-inang U.S. citizen kung saan hawak pa ng mga kidnappers si Kevin Lunsman.

Nabatid na pinalaya kaninang madaling araw si Gerfa Lunsman at kaninang umaga lamang ay iprinisenta sa mga miyembro ng media sa Zamboanga City.

Kaugnay nito, tumangging magkomento ang mga awtoridad kung nagkaroon ng bayaran ng ransom kapalit paglaya ng biktima na dinukot noong July 12, 2011 sa Brgy. Tigtabon, Zamboanga City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply