UPDATE: Masaker sa Cebu, 6 na ang patay

UMAKYAT na sa anim ang bilang ng napatay sa pamamaril ng isang retiradong seaman sa kanyang pamilya kaninang umaga sa Talisay City, Cebu.

Nabatid kay SPO1 Mikey Espina ng Talisay City Police Homicide Division, alas 8:24 ng umaga nang matanggap nila ang tawag ukol sa pamamaril sa loob ng isang bahay sa Palm Logde, Pangi, Barangay Tabunuk, Talisay City.

Tumambad sa mga pulis ang anim na nakahandusay na bangkay sa unang palapag ng bahay.

Itinakbo pa nila sa Talisay City District Hospital ang apat, na idineklarang dead on arrival habang namatay ang dalawa habang ginagamot sa pagamutan.

Batay sa imbestigasyon, pinagbabaril ng retiradong seaman na si Emmanuel Ponce, 55, misis na si Melinda, 53, manager ng Banco De Oro Taboan Branch at ang mga anak na sina Elaine Grace, 26 at Heether Joy, 25,  kapwa nursing graduate at ang isa pang anak na si Erlin Bridge, 18, college student.

Binaril din ni Emmanuel ang kanilang kasambahay na si Anastacia Deniega, 30.

Nakaligtas naman ang 14-anyos na anak na babae na ngayon ay nasa kustodiya na ng mga pulis.

Ayon kay SPO1 Espina, base sa unang ibinigay na salaysay ng nakaligtas, nasa kuwarto siya nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad siyang lumabas.

Nakita umano ng dalagita ang ama na may hawak na baril at kaagad siyang sinabihan na “ikaw lang ang matitirang buhay, magsu-suicide din ako. Tumawag ka ng pulis!”

Agad namang lumabas ng bahay ang dalagita pero hindi pa nakakalayo ay nakita niyang binaril ng ama ang kapatid na lalaking si Heether Joy saka nagbaril sa ulo.

Hindi pa matukoy ang motibo ng krimen pero sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad, lumalabas na problema sa pamilya ang dahilan ng ng pamamaril at pagpapakamatay ng dating OFW.

Narekober kay Emannuel ang isang .45 caliber, magazine at dalawang bala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply