UPDATE: Pawnshop hinoldap, 3 na patay

TATLO na ang naitatalang namamatay matapos ang naging bakbakan ng mga sekyu at mga holdaper na nangholdap sa isang jewelry store sa Sta. Cruz, Maynila, alas-4:30 ng hapon kanina.

Nabatid na ilang minuto pa lang ang nakalilipas nang holdapin ng mga suspek ang jewelry store sa nasabing lugar na inalmahan ng dalawang security guard.

Makaraan ang bakbakan ay tumimbuwang ang sekyu na kinilalang si Gani Orba at holdaper na hindi pa alam ang pagkakilanlan.

Lumalabas na 4:30 p.m. nang magdeklara ng holdap ang mga salarin na umaabot ang bilang sa 10 na agad namang inalmahan ng dalawang sekyu na kinabibilangan ng namatay.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng ikatlong biktima na binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang isang granada na sinasabing inihagis sa lugar ng insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply