UPDATE: Signal No. 2 ikinasa sa 6 na lalawigan– PAGASA

DAHIL sa patuloy na paglakas ng bagyong Ramon ay ikinasa ang signal number 2 sa anim na lalawigan, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Servcies Administration (PAGASA).

Ang mga lalawigan na nasa signal No. 2 ay ang mga sumusunod: Southern Leyte, Eastern Samar, Surigao del Norte, Siargao Island, Surigao del Sur at Dinagat Island.

Base sa ulat ng PAGASA, bukod sa lumakas pa ang bagyong Ramon ay lumawak pa ang kaulapang dala nito na umabot sa 400 kilometro na ang dayametro.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Ramon sa layong 180 kilometro sa kanluran-hilagang-kanluran ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ito ay may taglay na lakas ng hangin na umaabot ng 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot ng 80 kilometro kada oras.

Samantala, kabilang sa mga lalawigan na nasa signal No. 1 ay ang Masbate, Ticao Island, Romblon, Sorsogon, Northern Leyte, Biliran Island, Bohol, Cebu, Northern Negros, Northern Samar, Western Samar, Panay Island, Guimaras Island,  Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental at Camiguin Island.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply