Upgrading ng traffic light system sa Metro Manila iginiit

IGINIIT ng Senado ang pag-a-upgrade ng 453 traffic light control system sa Kalakhang Maynila.

Anamin din ni MMDA Chairman Francis Tolentino, sa budget deliberation ng Senate committee on finance para sa proposed P1.375-billion budget ng MMDA para sa 2012, na kinakailangan na nang i-upgrade ang mga traffic light sa lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay Tolentino, ginagamit na ngayon ang makabagong teknolohiya ng traffic light system sa Cebu at Davao kumpara sa lumang traffic light sa Metro Manila.

Sinabi rin ni Tolentino na ang road board ay hangarin na maglaan ng pondo para sa pag-upgrade ng mga traffic light sa Metro Manila na tinatayang aabot sa P400 milyon.

Subalit, iginiit ni Tolentino na kukulangin ang P400 milyon dahil sa aabot sa kabuuang P1.5 bilyon ang gugugulin sa pag-upgrade ng mga traffic light system sa buong Metro Manila.

“Doing it in phases would be more feasible rather than a one-time upgrade,” ani Tolentino.

Iginiit naman ni Sen. Franklin Drilon, chairman ng naturang komite, na kanilang hihilingin sa road board na siyang nangangasiwa sa paglalabas ng pondo mula sa Motor Vehicle Users Charge (MVUC) na punuin ang mga kakulangan upang tuluyang ma-upgrade ang lahat ng mga traffic light sa Kalakhang Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply