Utol, hipag ng Basilan gov utas sa ambush

PATAY ang kapatid ni Basilan Governor Jum Jainnudin Akbar at asawa nito nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki sa Isabela City.

Kinilala ni Supt Alan Nazarro, chief of police ng Isabela City ang mga biktima na sina Engineer Basser Jainnuddin at maybahay nito na si Hj Amina Jainuddin.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-7:05 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Basilan State College sa Barangay Sumagdang.

Nabatid na pauwi ang mag-asawa mula sa Isabela City proper lulan ng motorsiklo nang harangin ng mga salarin at paulanan ng bala.

Dead on the spot si Engineer Basser habang idineklarang dead on arrival ang asawa nito sa Infante Hospital sa Isabela City.

Narekober sa lugar ng insidente ang pitong basyo ng bala ng kalibre 45.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply