Utol ni Wilma Doesnt biktima sa pagguho ng dumpsite sa Olongapo

NAGING biktima ng trashlide o pagguho ng mga basura sa Olongapo dumpsite ang kapatid ni Wilma Doesnt na si Edgardo Dooesnt. Katiwala si Edgardo sa lokal na pamahalaan ng Olongapo at kasama sa kanilang rescue operations ang pagpapatrolya sa nasabing dumpsite at dito inabutan ng pagguho ang team na kinabibilangan ng kapatid ng komedyante-model.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang katawan ng kapatid ni Wilma na natabunan at umaaasa naman ang mga kaanak ng biktima na mahahanap din ito sa isinagawang retrieval operation.

***

MALAPIT nang itayo ang soundstage, o ang state-of-the-art studio ng ABS-CBN sa may Sa Jose, Del Monte, Bulacan. Kapag inumpisahan na raw ang construction, malamang na bago magtapos ang 2012, dito na idaraos ang production, post-production, animation at transmission ng Kapamilya network.

Ayon kay Ruel Bulaong ang Chief Technology Officer ng ABS-CBN, magkakaroon ng mala-Universal Studios ang magsisilbing backlot o bakanteng lote, kung saa’y tatayuan ng isang ospital, at sa tabi nito ay may parang hotel lobby, o kaya’y opisina para tabi-tabi na ang location na kakailanganin sa isang pelikula o isang serye na gagawin ng Kapamilya.

Ani Mr. Bulaong, sa dami ng pelikula at programang ginagawa sa ABS-CBN,  higit na makikinabang ang mga konsyumer at aniya pa, “Maraming TV shows na produced ng ABS-CBN at ipalalabas sa channel 2, Studio 23 at ilang cable channels gaya ng ANC at pati na ang Star Cinema.”

Anytime daw ay uumpisahan na ito at hinihintay lamang ang hudyat ng National Telecommunications para maumpisahan na ang kauna-unahang state-of-the-art na soundstage sa Pilipinas.

Kaugnay nito, maaambunan ng suwerte ang mga katabing lugar ng soundstage na itatayo dahil nga naman, magsusulputan na rin sa nasabing lugar ang mga restaurants, hotels at maging amusement centers at shopping malls.

***

INIURONG ng dalawang linggo ang dapat sana’y showing ng Unkabogable “Praybeyt Benjamin” na imbes ngayong October 12, ginawang October 26 na ang takdang pagpapalabas ng movie ni Vice Ganda. Subali’t hindi na kasama sa text messages na aming natanggap from Star Cinema kung may kinalaman ang mga bagyong dumating at paparating pa rin kaya’t iniurong ang playdate.

Pero, nais din naming paniwalaan ang katotohanang basta’t maganda ang produkto, ito’y  bibilhin ng mga mamimili o manonood.

Gaya ng “No Other Woman,” starring Derek Ramsay, Cristine Reyes at Anne Curtis, na despite na nataon ito sa pananalasa ng bagyong Pedring, still, humahataw ito sa takilya.

Nakaganda sa pagiging box-office hit ng said movie ang worth-of-mouth promo nito at halos lahat ng nakapanood ay nagsasabing ito ang da best drama-love story movie sa taong 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply