VAT exemption sa toll ways aprubado na sa Kamara

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Ways and Means ang mga panukalang batas para i-exempt sa pagpapataw ng value added tax (VAT) ang toll sa mga expressway.

Nabatid kay Committee Chairman Herminando Mandanas na ico-consolidate na nila ang apat na panukalang batas kaugnay sa VAT exemption ng mga toll at bubuo na rin sila ng technical working group para pag-aralan ito at magtatakda na rin ng plenary debate.

Ayon pa kay Mandanas, imumungkahi rin niya kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na gawing urgent ang consolidated bill para mapabilis ang pag-apruba rito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply