Verbal abuse raw ni Ryan kay Juday, true kaya?

TOO bad for Ryan Agoncillo kung totoo ang balitang he has incurred the ire of his wife Judy Ann Santos’ fans.

Allegedly, ang umano’y (alleged na, umano pa so am I to assume there’s no libel case against me waiting to happen?) verbal abuse na dinaranas ni Juday sa kanyang mister ang ikinagagalit ng mga tagahanga ng aktres.

But please don’t mistake verbal abuse for literal usage of cuss words like the crisp P.I.’s, nothing of that sort. Ang umano’y pananalita ni Ryan tungkol sa intellectual inferiority ng kanyang misis ang tinutukoy na verbal assault.

Hindi namin mapaniwalaan kung ito nga ang dahilan ng uprising ng mga Judy fans against the TV host.

Kung pagi-Ingles o command of the language ang bone of contention sa isyung ito, in fairness, Juday does not have the slightest pretension na Inglisera siya. Napaka-self-effacing pa nga niya pag ang tungkol sa kanyang less proficiency in oral English ang pinag-uusapan.

Still, Ryan has to do a little explaining to his wife’s followers, disproving the rumor. Ang posible pang puwedeng pag-awayan ng mag-asawa ay ang kawalan nila ng oras para sa isa’t isa. Both working parents, baka may kung anong “oral” ang hinahanap-hanap ni Ryan mula kay Juday.

And I don’t mean verbal.

XXXX

WE ARE writing this blind item Startalk TX’s Da Who style.

Subject: Merlat Na Wa Delicadeza.

Ang tsika, dahil isa nang certified Mississippi River ang merlat na ito kaya under one roof na sila nakatira ngayon ng kanyang animal husbandry.

Mississippi River. From the root word “misis.” Wife. Maybahay. Esmi. Kumander.  Animal husbandry. From the root word “husband.” Partner ng wife. Padre de familia. Mister. Bow!

Ang kuwento, somewhere in the southern part of Metro Manila nagsasama ang couple na itetch. Take note, sa isang Richie-richie d’ Horsie subdivision ang location ng housing project nila. But here’s the Cachupoy, as in catch to this nakalulurking tsika.

Ayon kasi sa mga intrigero, ang House of Representatives na tinitirhan ng couple ay naipundar nga ng wife, pero ang bigger share ng property na ‘yon ay mula sa bulsa ng kanyang ex-dyowa!

Ano’ng rating naming dito? S.K.O. As in Squatter Keep Out!

How tacky, di ba naman? Malayo pa ang Halloween, pero there stands an imposing House of Horror right inside the posh village! Kung bakit naman sa dinami-rami ng mga dwelling, maano bang kahit tumira muna sila sa condo unit, di ba?

Da who ang couple na itetch? Huwag na ‘yung boylet dahil wa naman siya taga-showbiz. Pagtripan na lang natin ang merlat na ang initials ay makikita n’yo bago ipalabas ang programa sa TV!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply