Vessel supervisor todas sa suntok

PATAY sa suntok ang isang 28-anyos na vessel supervisor matapos ang mainitang pakikipagtalo sa kanyang nakabanggaan sa isang KTV Bar kagabi (Oktubre 7) sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/Sr.Ins.Joey de  Ocampo  ang biktima na si Daniel Bulanadi, vessel supervisor  sa Manila North Harbor Port Inc. at nakatira sa 1950 F. Varona st., Tondo, Maynila.

Naaresto naman ang magpinsang suspek na sina Jason Chua, 35, at   John Ryan Chua, 35.

Sa report ni PO2 Bernanrdo Cayabyab, dakong alas-10:30 nang maganap ang insidente sa harap ng Villa D’Angel KTV Bar  sa kahabaan ng Marcos Road malapit sa Pier 8 North Harbor, Tondo, Maynila.

Ayon sa magpinsang Chua, papasok pa lamang sila sa nasabing bar habang ang biktima kasama ang kanyang mga kasamahan sa trabaho ay papalabas naman ng bar na lango na sa alak.

Dahil umano maliit ang labasan ng nasabing KTV ay nagkabanggaan si John Ryan at biktima kung saan nauwi sa komprontasyon at mainitang pagtatalo.

Agad naman umanong naawat ni Jason ang pinsan at biktima hanggang sa umuwi na ang huli ngunit muling bumalik si Bulanadi at muling hinarap ang magpinsang suspek hanggang sa magkaroon na ng komosyon sa lugar.

Nasa bisinidad naman ang security patrol ng Manila North Harbor at inabutan ang nagaganap na kaguluhan kung saan inaresto ang mga suspek habang isinugod naman ang biktima sa Mary Johnston Hospital subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, namatay ang biktima sa panununtok na mariin namang itinanggi ng mga suspek dahil hindi naman umano nagpang-abot ang biktima at si John Ryan dahil nas gitna nila si Jason upang pumagitan.

Sa cusrsory examination ay wala namang nakitang external physical injuries sa katawan ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply