‘Victory declaration’ vs lawless elements ihahayag ngayon

ANO mang oras mula ngayon ay ihahayag na ng pamahalaan ang victory declaration ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga lawless elements sa Payao, Zamboanga Sibugay.

Matapos makubkob ng militar ang sinasabing stronghold ng grupo ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander Waning Abdulsalam, sinabi ni Philippine Army spokesman Maj. Harold Cabunoc na oras na lamang umano ang kanilang hinihintay para maideklarang matagumpay ang misyon ng mga sundalo.

“Posible iyon (victory) dahil ang key terrain, hawak na ng tropa ng gobyerno. We are now in control, so, masasabi natin na in a few hours may matatanggap tayong magandang balita mula sa Western Mindanao Command,” pagtitiyak ng opisyal.

Ayon kay Cabunoc, matapos umanong maagaw ng mga Scout Rangers ang kuta ni Abdulsalam, umatras ang kalaban sa isang masukal na area at ngayon ay patuloy ang ginagawang clearing operations laban sa mga ito.

Positibo rin ang tagapagsalita ng hukbong katihan na hindi pa nakakalabas ng Payao ang mga kalaban dahil patuloy pa rin umano ang resistance ng mga ito.

“May mangilan-ngilan pang putok mula sa kalaban, so, masasabi natin na gumaganti pa, nasa area pa sila. Pero subject na ito ngayon ng ating ginagawang clearing operation.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply