Video na kuha sa CCTV ng pananambang sa VP ng PUP inilabas na

INILABAS na ngayon ng Manila Police District ang CCTV video ng pananambang kay Polytechnic University of the Philippines (PUP) Vice President for Administration Atty. Augustus Cezar noong Oktubre 13, sa kanto ng Pureza St. at Ramon Magsaysay Blvd.

Sa kuha ng CCTV na makikita sa glass window ng isang convenience store na sandaling tumigil ang sasakyan ni Cezar dahil stop light.

Isang pedicab ang huminto sa harapan ng sasakyan kung saan naganap na ang pamamaril sa nasabing opisyal ng PUP.

Tumagos pa ang bala sa convenience store kaya nadaplisan sa kamay ang nurse na si Nina Norolla na noon ay nasa loob ng tindahan.

Sa ngayon, target ng MPD na makilala ang dalawang gunman na pumatay kay Cezar at inaasahan na makatutulong sa imbestigasyon ang nasabing video.

Samantala, inilipat na sa Aklan ang mga labi ni Cezar at doon ililibing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply