‘Wag na nilang problemahin kung pumatol man ako o hindi sa bakla!’ Kean Cipriano

NAGSALITA na si Kean Cipriano sa maraming kontrobersyang pinagdaraanan niya ngayon.

Pinakahuli sa mga kontrobersya kay Kean ay yung sinabi ni Ruffa Gutierrez sa isang talkshow na di sila bagay ni Liz Uy. “Ay, di sila bagay, mismatch, I am not saying na pangit sila basta di sila bagay,” sabi pa ni Ruffa G.

Nasalubong nga namin si Kean nung gabi ng Star Awards For Music at nilinaw niya yung controversy. “Oo nga, sinabi nga raw niya, may nagparating sa akin, pero okey lang yun, if that’s her opinion, yun na yun,” cool na sagot ni Kean.

Pero nilinaw niya ang aniya ay totoong status nila ni Liz Uy. “We are very close, friends lang talaga, nothing more, nothing less.

Ewan ko ba kung bakit sila nagsasabing kaming dalawa nga ni Liz.

“I don’t blame them, we’re really close, we have common friends like Vice Ganda, naging close ako kay Liz dahil na rin sa ibang ka-close ko, but we really are not in a relationship,” sabi pa nito na tatawa-tawa in a very Kean manner.

But when asked kung excited nga siya kay Liz na puwede niyang ligawan ito in the very near fiuture, di nagbigay ng siguradong sagot si Kean. “I don’t know now kung liligawan ko ba siya, tama na muna itong we get along well together at sa akin, natutuwa na ako run,” sabi pa niya.

Inamin din Kean na marami na siyang taga-showbiz at outside showbiz na nakarelasyon. Pero aniya, ayaw na niyang magbigay ng mga pangalan. Ang importante raw, sa mga relasyon niya, marami na siyang natutunan. Like yung sa kanila ni Alex Gonzaga, nang sila raw ay naging close na, saka naman sila pinaghiwalay.

“Ewan ko kung ano ba talaga ang nangyari, sila yung nag-push sa amin, tapos nang close na kami, sila rin ang nagpalayo sa amin,” may talinhagang sabi pa ni Kean.

At dahil sinasagot naman ni Kean even the most controversial of questions, inamin nitong very close sila ni Vice Ganda,” talagang kami, kami na talaga,” sabay tawa pa niya na halatang nanggu-goodtime lang. “Seriously, close din kami, magkaibigan talaga kami, I find Vice Ganda a nice person, kung papatol ako sa bakla, why not him? I like Vice Ganda very much,” sabi pa nito.

Nang sabihan naman namin siyang walang gustong maniwala sa kanya kapag sinasabi niyang di pa siya pumatol sa bading ever, tumawa lang siya uli. “Wag na nilang problemahin yung kung pumatol man ako o hindi sa bading. For now, ayaw ko nang sagutin yan, kung ano ang pinaniniwalaan nila, yun na yun, ‘wag na nilang baguhin. Kung gusto naman nilang makuha’ng totoo, I think I am not the one to answer that,” pagwawakas pa ni Kean Cipriano.

***

On Shalani Soledad: She’s funny, kalog pala siya, now I am sure, magkakasundo kami!”- – Mariel Rodriguez

NAGPAHAYAG naman ng sobrang excitement si Mariel Rodriguez tungkol sa pag-launch sa kanya sa “Wil Time Big Time” noong Sabado, October 15. Kahit na may sakit pa si Mariel, talagang pumunta na siya sa naturang programa for a welcome treat.

Bale noong Lunes kasi, October 17, Mariel already started her stint bilang bagong co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Big Time. “I am sick hangga’t maaari, gusto ko sana next week na, but after I had a dry run, I decided to have the launch,” kuwento pa ni Mariel.

They really gave me a very warm welcome. Hindi talaga ako nagkamali in choosing them. Para namang bumalik lang ako sa dati kong mga Kapamilya,” sabi pa nito.

Original kasing co-host ni Wilie Revillame sa “Wowowee” kaya tipong reunion nga lang ang nangyari.

“Trabaho lang po ito, walang personalan, dito na ko masaya, so dito na ako sa TV5,” sabi pa nito.

At the same time, pinasalamatan din at pinuri ni Mariel ang kanyang husband na si Robin Padilla in supporting her decision.

“Okey sa kanya. He supports me all the way,”sabi pa nito.

Kay Mariel na rin natin nalamang marami pala siyang natutunan sa marriage nila ni Robin. “He changed me a lot, kung dati, ganyan, ngayon ganito na. Mahal ko si Robin kaya I embraced all that he is. Inintindi ko siya and now I can say na kilalang-kilala ko na siya,” sabi pa nito.

On Shalani Soledad, inamin ni Mariel na noong una naiilang daw siya, but after bonding with Shalani twice, nakilala na niya ito.

“Hindi ko akalaing ganun siya kakalog, she’s funny, now I am sure, magkakasundo kami.”

So there!

***

Wonder Gays sinasabotahe ni Vice Ganda

KATAKUT-TAKOT ang pagmumura ni Lito de Guzman sa mag-among Ogie Diaz at Vice Ganda. Inirereklamo ni Lito yung ginagawang pananabotahe sa kanyang Wonder Gays ni Vice Ganda.

Supposedly kasi, magge-guest ang Wonder Gays sa Showtime pero nagkontra-abiso sa kanya na di na raw sila matutuloy.
Nalaman na lang niyang sinabotahe lang pala sila ni Vice Ganda na siyang humarang at nagsabing ayaw niyang mag-guest ang Wonder Gays sa Showtime.

P….a niya, ang plastic niya, sinabihan kaming ok na, binigyan ng iskedyul, tapos di naman pala totoo,” galit na sabi po ni Lito D.

Pati raw si Ogie Diaz, sinabihan na niya sa Facebook na plastic sila.

“Pareho kasi kayong pangit ng alaga mo,” parang to the effect na sabi raw ng manager ng Wonder Gays kay Ogie Diaz.

By the way, this time, nakaraos na’ng concert ng Wonder Gays na “May Nag-tweet” sa Zirkoh Morato. Maraming tao ang dumalo at halatang kumita naman sila.

“At least, napatunayan ng mga alaga ko na kaya nila. Di bale nang walang guesting sa Showtime, okey lang kami na wala kayo, tayo pa rin ang magkikita sa dulo,” sabi pa raw ni madir sa Facebook ni Ogie Diaz.

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply