Walang bagyo sa Undas – PAGASA

WALANG tropical cyclone na inaasahang makakaapekto sa bansa sa Undas pero pinayuhan ng state weather bureau ang publiko partikular ang eastern Visayas at ang Bicol region na magdala ng payong dahil uulanin ang mga nabanggit na lugar sanhi ng intertropical convergence zone.

Sinabi ni Robert Sawi, chief ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather division, na ang northeast monsoon na may kasamang bahagyang paglamig ng temperatura ang mararanasan ng bansa sa loob ng susunod na limang araw.

Ang eastern sections ng Luzon, kabilang aniya ang Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Viscaya, Nueva Ecija, Aurora, Quezon at ang Camarines provinces, ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan simula ngayong araw hanggang sa Nobyembre 2.

Aniya, makararanas ng mainit na panahon at maalinsangan na panahon sa kabuuan ng bansa, kabilang ang Metro Manila, maliban sa isolated rains at thunderstorms sa hapon o sa gabi.

Sinabi pa ni Sawi na ang eastern section ng Visayas, Bicol region at Mindanao ay makararanas ng malawakang pagulan sa mismog araw ng Undas (Nob. 1 at 2) sanhi ng papalapit na low pressure area.

Pero sinabi naman agad ni Sawi na ang low pressure area o namumuong sama ng panahon ay nakadikit sa intertropical convergence zone, at ito ay hindi magiging isang ganap na bagyo.

Dahil dito, binalaan ng naturang weather official ang publiko sa Visayas, Bicol region at Mindanao laban sa posibleng pagragasa ng flashfloods at landslides.

Tatalo hanggang apat pang bagyo ang nakatakdang pumasok sa teritoryo ng bansa hanggang matapos ang 2011. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply