Walang bagyo sa Undas – PAGASA

HINDI magiging maulan o walang bagyong nagbabanta sa pagdiriwang ng Undas ngayong taon ayon sa state weather forecasters kaninang umaga.

Gayuman, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na kailangan pa rin magdala ng payong ang mga bibisita sa puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay sanhi ng posibilidad na magkaroon ng kalat-kalat na pagulan.

“Siguro hindi natin maiwasan ang isolated rainshowers although wala tayong bagyong namamataaan,” pahayag ni PAGASA forecaster Nelson Dianela.

Pero sinabi ni Dianela na maaga pa para balewalain ang pagkakaroon ng bagyo sa bansa at idinanagdag na magpapalabas sila ng isang special forecast para sa Undas sa susunod na linggo.

Sa kanilang panig, sinabi ng Malacañang na sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanda para sa nasabing okasyon kabilang ang maagang exodus sa mga probinsya.

Sinabi naman ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na tataasan ng kapulisan ang kanilang presensya at mamatyagan ang entry at exit points ng Metro Manila.

“The entry and exit points will be secured by the PNP, kasama ang sementeryo sa siyudad na pinupuntahan. Tinataasan natin ang police visibility sa mga areas na ito,” dagdag pa nito. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply