Walang coding sa Oct. 31 – Nov. 2 — MMDA

SINUSPINDE ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, araw ng Miyerkules bunga ng inaasahang pag-uwi ng mga biyahero mula sa kani-kanlang lalawigan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, napakiusapan na rin niya sina Makati City Mayor Junjun Binay at Las Piñas City Mayor Vergel Aguilar na suspendihin na rin ng hanggang Nobyembre 2 ang kanilang sariling ordinansang kahalintulad ng number coding upang masakop na nang tuluyan ang buong Metro Manila.

Bagama’t tiyak na ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila sa Miyerkules dulot ng inaasahang pagbabalik ng mga bakasyunista, naniniwala si Tolentino na kinakailangan munang suspendihin ang number coding upang makabiyahe ang mga sasakyan na nagtatapos ang numero ng plaka sa 5 at 6 upang masakyan ng mga biyaherong pabalik ng lungsod.

Idinugtong pa ng MMDA chief na awtomatiko namang suspendido ang number coding sa mga araw na idedeklarang piyesta opisyal kaya walang number coding sa araw ng Lunes at Martes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply