Walang hulog sa SSS, Pag-IBIG

MARAMING empleyado ang nagkakaproblema sa kanilang accounts sa Social Security System at maging sa Pag-Ibig dahil na rin siguro sa katamaran o sadyang panlalamang ng kani-kanilang mga employer.

Ultimo payslip – na ipinag-uutos ng ating batas – ay hindi sinusunod ng mga employer.

Dito pa lang ay makikita niyo na sadyang tinatarantado nila ang kanilang mga tauhan at maging ang ating  gobyerno partikular ang Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito ang dalawa sa mga text na natatanggap ko kaugnay sa kanilang mga hinaing.
090863862…. – Magandang hapon po. Janitor po ako sa isang bangko sa Ortigas, Pasig. Ang company ko po ay Powermaster Inc. sa may OMM Citra building sa San Miguel, Pasig City. Anim na buwan na po ako sa company pero wala pa rin po akong hulog sa SSS at hindi po binabayaran ang OT namin. Wala rin silang ibinibigay na payslip. Ilang beses na po akong humingi pero palagi po nilang sinasabi na ipadadala na lang daw pero hindi naman ginagawa. Kahapon po ay nag-check ulit ako sa SSS pero wala pa ring ni singkong hinuhulog ang kompanya namin. Ang may-ari raw ng kompanya namin na si Homer Alumisin ay malapit sa mga Cojuangco at sa isang senador kaya walang maglakas-loob sa amin na magreklamo.

090966183….— Sir good day po! Hihingi po kami ng tulong sa inyo. Wala na po talaga kaming  ibang mahihingan ng tulong. Kayo na lang po talaga ang pag-asa naming security guards ng 8-Silver Security Agency na pag-aari ng mag-asawang Hormigas dito sa Chinese General Hospital at Medical Center. Kasi po, inaapi na kami ng husto ng may-ari ng agency namin. Lagi po nilang dine-delay ang sahod namin. Halagang P300 na lang nga po ang bigay nila sa amin, pinahihirapan pa kami sa pagsahod. At saka di po nila ininuhulog ang kinakaltas nila sa amin kada buwan kagaya ng SSS at Pag-Ibig. Wala rin po kaming payslip at pinapipirma lang kami sa payroll na may nakapatong na blangko sa ilalim. Ang lakas po ng loob ng may-ari ng agency para lokohin kami. Maaksyunan nyo po sana ito!

Payo ko sa kanila na sumangguni sa mga abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) kung wala silang kakayanan na tustusan ang gastusin ng mga pribadong abogado sa pagsasampa ng demanda.

Dapat lang nilang idemanda ang ganitong madadayang mga employer!

*  *  *

Anomang reklamo, komento o suhestiyon, i-text o itawag lang sa 09994333437 o kaya’y i-email lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply